Monday, February 28, 2011

simula sa pagkasilang hanggang sa kasalukuyan

ayan na ako ngayon

                Ika 20 ng hulyo, taong 1995 ako ay isinilang sa bayan ng San Pablo sa Community Hospital at binigyan ng pangalan na Aerrol Sales Abadicio. Ako ay labing limang taong gulang na sa panahong ito at nasa ikatlong taon sa sekondarya. Ang aking ama ay si Abner Benito AƱonuevo Abadicio at ang aking ina ay si Nancy Sales Abadicio. Ako ang panganay sa apat naming magkakapatid. Sinundan ako ni Julbert na sinundan ni Nayelie at ang bunso na si Archean. Ako ay nakatira sa Pook Kasiyahan, Brgy. VI-D sa lungsod ng San Pablo. Sa gulang na anim ako ay nagsalamin na dahil Malabo na ang aking mata. Marunong akong tumugtog ng piyano at gitara. Mahilig sa mga musiko lalo na sa instrumental dahil masarap pakinggan ang tunog nito.
ang aking mga magulang..
                Pinalaki ako ng aking mga magulang ng maayos. Kahit napaka pasaway ko, may natututunan parin naman ako. Madalas kong makaaway si Julbert noong bata pa pa kami. Lagi ko naman noong kinakagat si Zarina na pinsan ko at laging pinapaiyak. Napakapilyong bata ko noon. Hindi pa isinisilang si Nayelie ng mga panahon iyon at kaming apat nina Zarina, Denisse, Julbert at ako ang laging magkakasama noon. Tuwing kaarawan naming, naghahanda
ako at ang aking mga kapatid

 kami at minsan pa nga ay sa mismong araw ng kaarawan ko bumagyo. Ngunit sa kabila ng masamang panahon ay masaya parin kami. Ika-14 ng Enero ng isilang ang kapatid kong babae na si Nayelie, ngunit sa pagdaan ng taon habang ito ay lumalaki, naapektuhan si Julbert. Sabi ng doctor na selos lamang ito sa babae niyang kapatid. Makalipas pa ng ilang taon ay si Archean naman ang isinilang. Marami ang nagsasabi na kamuka ko ito noong bata. Binibiro pa nga ako ng aking ina na sana hindi matulad sa muka ko ngayon. Bakit daw ba kasi nagkaganito ang muka ko na noon ay maayos naman. Hulyo 25 taong 2005 nang kami ay naiseald sa temple. Masaya ako dahil alam ko na makakasama ko ang aking pamilya hanggang sa kabilang buhay. Habang ako ay lumalaki, maraming pagbabago ang nagaanap sa aking buhay na pangkaraniwan sa lahat dahil sadyang dumadating ang puntong iyon sa lahat ng tao dahil tumatanda na. Nagiging malapit na sa iba.
ikapitong kaarawan ko kung saan bumabagyo
Cute talaga habang bata
Nagkaroon ng youth camp ang aming ward. Tatlong araw na camping ito. Sa loob ng tatlong araw na ito na kasama ang aking mga kaibigan sa simbahan ay nagging Masaya an gaming karanasan. Nililink nila ako sa isang babae na kaward ko kasi lagi kaming magkasama noon. Wala naman akong gusto, sabihin na natin na may paghanga ngunit wala akong gusto sakanya. At sa loob din ng araw ng camping ay nakuhanan kami ng litrato habang natutulog. Hidi ko alam na nakatulog na ako habang katabi siya. Tuwing bakasyon ay nagkakaroon 
ako at si len
ng youthcamp at youth conference. Masaya ang mga aktibidad na ito dahil sa mga bagay na iyong matututunan kundi makakatagpo ka ng iba pang kaibigan.
Habang ako ay lumalaki, maraming pagbabago ang nagaanap sa aking buhay na pangkaraniwan sa lahat dahil sadyang dumadating ang puntong iyon sa lahat ng tao dahil tumatanda na. Nagiging malapit na ako sa iba kahit hindi kaklase. Marami akong nagiging kaibigan sa paaralan at nagkakaroon ng paghanga sa iba. Isa na nga sa mga nagging kaibigan ko na malapit na malapit sa akin ay sina Jewel at Myael. Nakilala ko si Jewel noong ako ay 2nd yr. lagi siyang nasa harap n gaming room at nakaupo. Dahil sa mahiyain pa ako noon, hindi ko na sinubukang lumapit sa kanya ngunit ng mapuna din ng isa kong kaklase si Jewel at nagging magkaibigan sila, kinuha ko ang numero ni Jewel sa kanya at doon nagsimula ang pagkakakilala naming sa isa’t isa. Si Myael naman ay nakilala ko ngayong 3rd year dahil siya ang naging malapit na kaibigan ni Jewel. Nagkaroon kaming mabubuting pagsasamahan at Masaya ako dahil dito.
Jewel and Myael
Nag-aral ako ng kinder sa Paaralan ng Sentral ng San Pablo ngunit sa pag-aaaral ko dito, hindi ko naipasa ang aking pag-aaral. Lagi akong nagluluko at hindi seryoso sa pag-aaral. Niloloko pa nga ako ng aking mga kamag-anak noon na laging itlog ang aking dala.  Pagkatapos ng kinder, inilipat ako sa Home of Learning Christian Academy. Doon ako nag-ayos ng pag-aaral at naging 3rd honor. Kahit niloloko ako dahil sa marami akong naging crush o hinahangaan, nakapagtapos parin ako. Halos lahat ng kamag-aaral ko na babae doon ay hinangaan ko kaya ako inaasar. Marami kasi na magaganda at mapuputi doon.
Central, paaralan na pinasukan
 ko noong elementarya
                Pagkatapos ng pag-aaral ko ng kinder, pumasok na ako sa elementarya sa Paaralang Sentral ng San Pablo sa gulang na pito. Naging guro ko noon si Gng. Escondo. Si Valen, isa sa aking mga kamag-aaral ay palaging sumusulat sa akin, lagi ko itong pinababasa sa aking ina. Isang araw, nagpunta ang aking ina sa paaralan at isinumbong ang ginagawa ni Valen. Ngunit sa kabila ng nangyari ay nagging maayos ang aking pag-aaral at nagging isa sa pilot section nang ako ay pumasok sa ikalawang taon sa elementarya. Si Gng. Constantino ang naging guro ko sa taong iyon na kapitbahay lang pala namin. Naging masipag akong mag-aaral at ginagawa ko ang paglilinis ng maayos sa silid aralan. Lagi akong naiiwan sa silid aralan upang maglinis. Nasa ikatlong antas ako ng kami ay lumipat ng tirahan dahil sa pinaaalis kami ng may-ari ng lupa. Pinaayos ng ina ni tatay ang kanyang bahay at doon kami pinatira. Ako ay nagging pilot a ng mga sumunod na taon ngunit sa ikalima kong taon sa elementarya, naging section 1 ako pero napalipat sa pilot b. pinabutihan ko ang pag-aaral upang manatili ako sa pilot section at nagawa kong maging pilot b parin sa ikaanim na taon sa elementarya. Wala akong nakamit na parangal sa pagpasok ko ng anim na taon sa elementarya ngunit masaya ako na nakatapos sa pag-aaral.
             
paaralang pansekondarya
ang grandstand sa dizon high
   Ako ay pumasok ng sekondarya sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, kabilang ako sa Science curriculum o ang pinakamataas na section sa Dizon. Masya ako na nakapasok ako sa section na ito kahit mahirap. Noong una ay hindi kami naiimikan. Masyadong tahimik ngunit makaraan ng ilang lingo ay nagsimula na ang ingay. Sa patatapos ng unang taon sa sekondarya, hindi ko inaasahan na mapapasali ako sa honor. Masaya ako sa nangyari dahil alam ko na naging Masaya din ang aking mga magulang. Sa pagpasok ng ikalawang taon sa sekondarya ay may konting paninibago. Inakala naming na 
mataray si mam Ilagan ngunit nagkamali kami. Palabiro pala siya at napaka bait. Marming nangyai sa taong ito. Natalo kami sa Florante at Laura at iyon ang unang pagkakataon na natalo ang science ng ibang seksyon. Subalit pinagpatuloy parin namin ang magandang nasimulan. Naging matatag an gaming pagsasamahan sa klase kait minsan na hindi makasundo. Sa pagtatapos ng taong ito, nasungkit kong muli ang pagiging isa sa mga honor. Masayang masaya ako dahil isang regalo ito para sa aking ama na ngayon ay nasa Canada na. Sa pagsapit ng ikatlong taon, nanibago ako ng malaki dahil mahirap pa sa inaakala ko ang nangyari. Sa taong ding ito, nakasama ako sa Regional Student Press Conferance bilang isang kalahok sa radio broadcasting. Ngunit Alam ko sa sarili ko na hindi ko nagawa ng maayos ang tungkulin ko ngunit nakamit parin namin ang ikalawang karangalan. Ngayon na malapit na ang pagtatapos ng ikatlong taon ko sa sekondarya, maaaring hindi ako makasama sa honor roll pero sisiguraduhin ko na makakasama ako sa susunod na taon. Nakakalungkot nga lang sapagkat marami sa amin ang matatanggal sa science curriculum.
               

Wednesday, February 16, 2011

History of My Blog's Name

Before I tell you where did I get the title of my blog, I want to share with you one of my experience.


One of my closest friends had a serious problem. So I asked her what it is. As she stated her problems, I give her a suggestion or offer how to solve her problem and I strengthen her. Every time she has a problem, she always approach me, she always tell me why is she lonely, why is she so sad, she share what she have experienced, bad or good. One day, she shared me again something. She tells me her problem but I don’t have any idea how to solve it. I just said to her, “Don’t lose hope. Be faithful,  ask help from God and I’ m sure that he will answer your prayer. Everything will be alright, believe.” In the morning, she tells me something, she thank me because I’ m always there when she need somebody to lean on. She thanks me because I always strengthen her. She thanks me because when in the time of sorrow, I’m always there beside her and I never left her alone. And she told, ‘’Thank you, you’re my optimistic comforter.”

I feel something good. I feel the happiness inside when she told me that thing. I’ m happy because my friend gained hope and strength because of me. I ‘m glad that I make someone happy, that I help my friend.
She said to me that I’ am a positive thinker, that even though I also have a problem, I never quit. I’ m optimistic, I’m hopeful. I’ m positive.


Paol is my nickname. Paol came from the word parol. I can’t deliver some words clearly when I was a child. When I see lots of parol in the park, it’s Christmas, I continue to speak, “paol, paol, ang daming paol!” I wish I made you laugh. =)

Larawan ng Pag-ibig

Hindi ko lubos maisip at hindi inaasahan
Na ako'y kanyang pagsisinungalingan
Ang puso ko'y lugmok na sa kalungkutan
Nang ako'y kanyang iniwanan

Kami ay nagkakilala sa isang kasayahan
Nagkausap at naging mabuting magkaibigan
Maraming bagay ang aming pinagsamahan
Iniaahon ang bawat isa patungo sa kaligayahan

Ang pagsasamahang nauwi sa pag-iibigan
Sa ilalim ng mga bituin kami ay nagtapatan
Isang gabi na puno ng kaligayahan
At noon din kami ay nagsumpaan

Ngunit ng lumaon, aking nalaman
Na hindi totoo ang kanyang nararamdaman
Sumabay sa gabing malamig ang aking kalungkutan
Pag-asa'y nawala, pag-ibig naglahong parang bula.

Sa kalungkutan ako ay nahimbing
Na ang pag-ibig ko'y lumamig at dumilim
Kung kasinungalingan lang, pag-ibig ay aanhin?
Mabuti pang ito'y limutin

Ako'y nagising sa isang magandang awit
Kung saan ang puso ko'y naghihinanakit
Sa isang magandang tinig, damdamin ko'y naantig
Muling binigyang buhay ang pusong sabik

Subalit natakot na ang puso kong nabigo
Dahil sa karanasang hindi pala seryoso
Ngunit kanyang  pinatunayan, pag-ibig di naglalaho
Ito'y nangangailangan lang ng tapat na pagsuyo

Muli niyang ibinalik makulay kong pag-ibig
At tiwalang nawala bunsod ng pagiging sabik
Ako'y kanyang tinuruan na maging matatag
Sa mga masukal na daang aming kailangang itahak

Sa karanasang ito ako'y natuto
Na maging mapanuri at kilalanin ang bawat tao
Upang malaman mo kung pag-ibig niya ay totoo
At saka ibigay ang buong tiwala mo

I' am a Responsible Netizen

As a human, a student, a youth, we all know that in our day is a day of the modern world. World that is being manipulated by technology because we is it in our daily lives. But it affects our lives. It may cause pollution, addiction, and yet, it can influence the youth particularly by the internet.

As I study about internet in Wikipedia, It says that The Internet is a global system of interconnected computer networks that use the standard Internet Protocol Suite (TCP/IP) to serve billions of users worldwide. It is a network of networks that consists of millions of private, public, academic, business, and government networks, of local to global scope, that are linked by a broad array of electronic, wireless and optical networking technologies. The Internet carries a vast range of information resources and services, such as the inter-linked hypertext documents of the World Wide Web (WWW) and the infrastructure to support electronic mail.
Most traditional communications media including telephone, music, film, and television are reshaped or redefined by the Internet, giving birth to new services such as Voice over Internet Protocol (VoIP) and IPTV. Newspaper, book and other print publishing are adapting to Web site technology, or are reshaped into blogging and web feeds. The Internet has enabled or accelerated new forms of human interactions through instant messaging, Internet forums, and social networking. Online shopping has boomed both for major retail outlets and small artisans and traders. Business-to-business and financial services on the Internet affect supply chains across entire industries.

Because of internet, many of our youth is being addicted in gaming, chatting and other form of entertainment that influence much of us. Some are being lost there way because of irresponsible use of the internet.

 I’ m a responsible netizen. I use internet just for a wise purpose and entertaining myself with a good amusement. I’ m not spending so much time entertaining myself with bad activity. I just divert myself when I have free time or no work to do. Internet is for our benefit and learning not for worst. I control myself in using it.

Be wise and responsible in using it. Use it for good and not for worst.

Monday, February 14, 2011

I Will Stand in the Light

EFY 2004 - STAND IN THE LIGHT

I feel the chill when the shadows grow still
And Im standing too close to the edge
But nothing to ground me
The world swirls around me
Im lost in the mist of despair
I need to run to the light of the sun
Till the warmth of its rays on my face
I need to walk with my feet on the rock
And my heart lifted up in his grace

I will stand in the light
Look to the dawn as it breaks through the night
With courage and strength
I will stand in my place
With the flame of my faith burning bright
I will stand in the light
Hold up the truth
And stand for the right
I can reach so much higher
I’m filled with the fire
When I stand
Stand in the light

Steady and still like a light on a hill
It shines for the whole world to see
Chasing the dark washing over my heart
Changing what I want to beat
I feel a brook flooding into my soul
Its river of truth falls through me
Filling me up with conviction enough
To live what I truly believe


Isa ito sa mga naging inspirasyon ko upang maging isang mabuting tao. Hindi man ako perpekto, ngunit ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko upang maging mabuti sa lahat. Nais kong magbahagi ng ilan sa aking mga karanasan. Mga karanasan kung saan madami akong napulot na aral na nakapagpabago sa akin ng husto.
            Isa akong suwail na anak ayon sa aking magulang. Lagi na lamang ako ang nagiging dahilan ng pag-aaway ng aking ama at ina. Sa tuwing tumataas ang boses ko kapag nagagalit, nakikipagsagutan sa magulang, nang-aaway ng kapatid, tamad at iba pang mga di kaaya-ayang bagay ang aking nagagawa kung kaya’t masama ang tingin sa akin ng ilan kahit ng aking magulang. Isang araw habang ako ay may ginagwa sa bahay, ginulo ako ng aking kapatid. Kagagaling lamang naming noon sa simbahan dahil araw noon ng Linggo. Nagalit ako at napasigaw. Sa dahilang narinig ng aking ina ang pagsigaw ko sa aking nakababatang kapatid na napaiyak ay nagalit siya sa akin. Sinabi niya na dapat akong maging mapagpasensya dahil ako ang may mas maraming alam at mas mulat na. marami pa siyang bagay na sinbi at karamihana y patungkol sa simbahan. Nakonsyensya ako sa aking ginwa. Iniwan ako ng aking ina. Naalala ko noon ang lesson naming sa simbahan na makinig ng mabubuting musika upang mapagaan ang loob at malayo sa tukso. Ginawa koa ng bagay na iyon hanggang sa nakita ko ang kanta na ito sa mga kanta ng simbahan. Dito ko napagisip na gumawa ng tama. Na tumungo sa liwanag at wag sa dilim. Ngayon ay unti unti kong binabago ang aking sarili kahit minsan ay nakakagawa parin akong ng masama.
            Alam ko mahal nila ako. Alam ko na kahit ganoon ang kanilang sinasabi sa akin ay pinapahalagahan nila ako. Malaki ang pasasalamat ko sa aking mga magulang dahil pinalaki nila ako sa simbahn kung kaya’t namulat ako sa tamang landas. Nalaman ko na ang pamilaya ay napakahalaga para sa aitng panginoon kaya napagtanto sa aking isipan na magbago at suklian ang mga kabutihan ng aking mga magulang. Mahalin natin ang bawat isa, alisin ang dilim sa ating puso at tumungo sa liwanag.

Si Window at ang natatanging pag-asa

            Isa na namang umaga kung saan ang araw ay tila nalulumbay na nagbibigay ng sobrang init sa mundo. Kamusta kayo? Ako nga pala si Window, isa sa mga computer sa loob ng computer room at saksihan ninyo ang aking kalagayan ngayon na napagiwanan na ng panahon.
            Dati rati ay lagi akong ginagamit ng mga mag-aaral dito sa Dizon high ngunit ng magkaroon ng mas makabagong computer, ako ay binalewala. Malungkot pero nagkaroon ako ng pag-asa ng may lumapit sa akin at nagmalaskit.
            Tara! Silipin ninyo ang aking kwento na puno ng aral.

Isang araw noon sa paaralan, binuksan ni ginoong Calabia ang computer room at nagpasukan na ang mga estudyante. Nagturo ang ginoo at pinagamit ang bawat isang estudyante ng computer. Mayroong sampung computer ang nasa loob ng computer room kabilang na ako.
            Habang kami ay ginagamit ng mga bata, nagwika si indow na siyang katabi ko na isa rin na computer.
            “Window, alm mo ang swerte mo kasi lagi kang ginagamit at pinagaagawan ng mga bat, samantalang ako ay kinaiinisan dahil sa mabagal kong pagresponse.”
            “Indow, gusto mo tulungan kita? Aalisin ko ang ilan sa mga laman ng memory mo na hindi ginagamit. Magpaparamdam ako sa mga guro upang magawa nila iyon sayo.” Ang sabi ko.
            “naku window, maraming salamat sayo.” Ang sagot niya.
            Ngunit isang araw, inalis kami sa aming kinatatayuan at pinaltan ng mas makabagong mga computer. Marami sa amin ang umiyak, at nawalan ng pag-asa na muling magagamit. Ngunit hindi ako nawalan ng pag-asa. Pinalakas ko ang loob nila.
            Sa hindi inaasahang araw, may ilang kabataan ang kumuha sa amin at inayos kami isa isa. Binili kami at dinala sa isang lugar kung saan maraming bata ang nandoon sa lugar na iyon. Isa isa kaming inilagay ng ayos at sinimulang paganahin. Ayon pala, dinala kami sa isang bahay ampunan kung saan tinuturuan ang mga bata sa paggamit ng computer.
            “Sabi sa inyo mga kasama, may halaga parin tayo sa panahong ito. Huwag lamang tayo mawalan ng pag-asa.”

Percy Jackson and the Olympians The lightning Thief



Si Percy Jackson ay isang normal na estudyante ngunit may kakaibang kakayahan. Nagagawa niyang makatagal sa ilalim ng tubig sa loob ng pitong minuto. Humahanga naman si Grover, isang kaibigan ni Percy sa kakayahang ito.


Isang araw, nagkaroon ng kaguluhan dahil nawawala ang lightning bolt ni Zeus. Inaakala niya na ninakaw ito ng anak ni Poseidon. Nagbigay ng babala si Zeus na kung hindi mapapabalik ang kanyang lightning bolt ay magkakaroon ng gera.
Sa isang school trip, inatake ni Fury na noon ay nagpanggap na isang guro si Percy dahil sa interes na makuha ang lightning bolt. Tinulungan ni Grover at ni Mr. Brunner si Percy na kapwa may kapansanan. Pinaalis nila si Fury. Nang malaman nila kung ano ang dahilan ni Fury sa pag-atake, inutusan ni Mr. Brunner si Grover na pumunta sa camp half blood kasama si Percy at ang ina nito na si Sally. Sa daan ay inatake sila ng isang minotaur na ang gusting patayin si Sally. Nagawang mapatay ni Percy ang minotaur ngunit siya ay nawalan ng malay tao.



Tatlong araw ang nakalipas ng magising si Percy. Nagising siya sa kampo. Nalaman niya n si Grover ay isang satyr at isa niyang tagapangalaga at si Mr. Brunner na isang centaur at nagngangalang Chiron. Nagbigay ng payo si Chiron kay Percy na puntahan si Zeus para sabihin na wala sakanya ang lightning bolt. Nagsimula ang kanyang pageensayo sa half blood camp kasama ang ibang demigod. Naroon din si Annabeth Chase na anak ni Athena at si Luke Castellan na anak ni Hermes. Nagkaroon ng isang malawakang ensayo kung saan may dalawang grupo na magtutunggali. Kinakailangan n makuha ng kabilang grupo ang bandila ng kalabang grupo upang sila ay manalo. Nagkita si Percy na kabilang sa grupo ng asul at Annabeth na kabilang naman sa grupo ng pula malapit sa bandila ng grupo ni Annabeth. Naglaban ang dalawa. Maya-maya pa ay nagdadatingan na ang kani kanilang kasapi. Makikita na talo si Percy kay Annabeth. Nang mapatumba ni Annabeth si Percy, pinilit ni Percy na maabot ang ilog at ng mahawakan na niya ang tubig ay gumaling ang kanyang mga sugat at nagkaroon ito ng lakas upang matalo niya si Annabeth. Nagwagi ang grupo ni Percy.

Kinagabihan, nagkaroon ng salu-salo ngunit bigla na lamang nagpakita ang tiyuhin niya na si Hades at sinabi na nasa kanya ang ina ni Percy. Kinakailangan niya na maibigay ang lightning bolt upang mapakawalan ang kanyang ina. Inutos ni Chiron na huwag pumunta sa underworld pero tumakas siya. Sinamahan siya ni Grover at Annabeth. Nagtungo sila kay luke upang humingi ng tulong. Binigyan ni Luke sina Percy ng mapa na makakatulong sakanila upang makuha ang mga perlas na makakapagailis sakanila sa underworld, isang pares n sapatos na may pakapak at isang panangga.



Umalis na ang tatlo at nagtungo sa unang destinasyon kung saan makikita nila ang unang perlas. Nakarating na sila sa isnag hardin ngunit hindi nila alam na naroroon si Medusa. Nakita ni Grover ang isang istatwa na kamuka ng tiyo niya na sa pagkakaalam niya ay namatay dahil kay Medusa. Dito pa lamang naalarma si Grover at saka nagsisigaw na sila ay nasa panganib. Nagkita sina Percy at Grover ngunit nahuli na si Annabeth. Gumawa ng paraan sina Percy. Nagpahabol si Percy habang inililigtas ni Grover si Annabeth. Napugutan ng ulo ni Percy si Medusa at nagtagumpay sila na makuha ang perlas. Kinuha din nila ang ulo ni Medusa upang magamit sa paglalakbay. Sumunod na pinuntahan nila ay sa Parthenon kung saan ay nandoon ang pangalawang perlas. Dito ginamit ni Percy ang sapatos na may pakapak upang maabot ang perlas na nasa ulo ng istatwa. Ngunit nagpakita ang hydra, isang dragon. Pinigilan sila nito ngunit nagawa naman nila na matalo ang Hydra sa pamamagitan ng ulo ni Medusa. Pagkakuha ng perlas at pagkatapos matalo ang hydra ay nagtungo na sila sa Lotus Casino. Dahil sa pagkain ng lotus flower ay nakalimutan nila ang tunay nilang dahilan kung kaya’t nagtagal sila doon ng limang araw. Nagtagumpay naman sila na makaalis dahil kay Percy.


Nang makuha na nila ang tatlong perlas ay nagtungo na sila sa underworld. Doon ay natagpuan nila si Hades. Hindi sinasadyang malaglag ni Percy ang panangga at nakita ni Hades na nandooon nakatago ang lightning bolt sa panangga ni Luke. Kinuha ni Persephone asawa ni Hades ang lightning bolt at tinira niya si Hades. Ibinigay nito ang lightning bolt  kay Percy ngunit kulang ang perlas dahil sa ina ni Percy na kanilang niligtas. Nagpaiwan si Grover at hinayaan niya na makaailis ang tatlo. Napapunta ang tatlo sa empire state building ngunit bigla silang inatake ni Luke. Inamin ni Luke n Siya ang nagnakaw ng lightning bolt ni Zeus. Naglaban ang dalawa at natalo ni Percy si Luke at naibigay kay Zeus ang kanyang lightning bolt. Naging maayos na ang lahat at nagkausap sila ng kanyang ama na si Posiedon. Nakasama muli nila si Grover n tinubuan na sungay na nangangahulugan na isa na siyang senior protector.