Monday, February 14, 2011

Si Window at ang natatanging pag-asa

            Isa na namang umaga kung saan ang araw ay tila nalulumbay na nagbibigay ng sobrang init sa mundo. Kamusta kayo? Ako nga pala si Window, isa sa mga computer sa loob ng computer room at saksihan ninyo ang aking kalagayan ngayon na napagiwanan na ng panahon.
            Dati rati ay lagi akong ginagamit ng mga mag-aaral dito sa Dizon high ngunit ng magkaroon ng mas makabagong computer, ako ay binalewala. Malungkot pero nagkaroon ako ng pag-asa ng may lumapit sa akin at nagmalaskit.
            Tara! Silipin ninyo ang aking kwento na puno ng aral.

Isang araw noon sa paaralan, binuksan ni ginoong Calabia ang computer room at nagpasukan na ang mga estudyante. Nagturo ang ginoo at pinagamit ang bawat isang estudyante ng computer. Mayroong sampung computer ang nasa loob ng computer room kabilang na ako.
            Habang kami ay ginagamit ng mga bata, nagwika si indow na siyang katabi ko na isa rin na computer.
            “Window, alm mo ang swerte mo kasi lagi kang ginagamit at pinagaagawan ng mga bat, samantalang ako ay kinaiinisan dahil sa mabagal kong pagresponse.”
            “Indow, gusto mo tulungan kita? Aalisin ko ang ilan sa mga laman ng memory mo na hindi ginagamit. Magpaparamdam ako sa mga guro upang magawa nila iyon sayo.” Ang sabi ko.
            “naku window, maraming salamat sayo.” Ang sagot niya.
            Ngunit isang araw, inalis kami sa aming kinatatayuan at pinaltan ng mas makabagong mga computer. Marami sa amin ang umiyak, at nawalan ng pag-asa na muling magagamit. Ngunit hindi ako nawalan ng pag-asa. Pinalakas ko ang loob nila.
            Sa hindi inaasahang araw, may ilang kabataan ang kumuha sa amin at inayos kami isa isa. Binili kami at dinala sa isang lugar kung saan maraming bata ang nandoon sa lugar na iyon. Isa isa kaming inilagay ng ayos at sinimulang paganahin. Ayon pala, dinala kami sa isang bahay ampunan kung saan tinuturuan ang mga bata sa paggamit ng computer.
            “Sabi sa inyo mga kasama, may halaga parin tayo sa panahong ito. Huwag lamang tayo mawalan ng pag-asa.”

No comments:

Post a Comment