Monday, February 28, 2011

simula sa pagkasilang hanggang sa kasalukuyan

ayan na ako ngayon

                Ika 20 ng hulyo, taong 1995 ako ay isinilang sa bayan ng San Pablo sa Community Hospital at binigyan ng pangalan na Aerrol Sales Abadicio. Ako ay labing limang taong gulang na sa panahong ito at nasa ikatlong taon sa sekondarya. Ang aking ama ay si Abner Benito Añonuevo Abadicio at ang aking ina ay si Nancy Sales Abadicio. Ako ang panganay sa apat naming magkakapatid. Sinundan ako ni Julbert na sinundan ni Nayelie at ang bunso na si Archean. Ako ay nakatira sa Pook Kasiyahan, Brgy. VI-D sa lungsod ng San Pablo. Sa gulang na anim ako ay nagsalamin na dahil Malabo na ang aking mata. Marunong akong tumugtog ng piyano at gitara. Mahilig sa mga musiko lalo na sa instrumental dahil masarap pakinggan ang tunog nito.
ang aking mga magulang..
                Pinalaki ako ng aking mga magulang ng maayos. Kahit napaka pasaway ko, may natututunan parin naman ako. Madalas kong makaaway si Julbert noong bata pa pa kami. Lagi ko naman noong kinakagat si Zarina na pinsan ko at laging pinapaiyak. Napakapilyong bata ko noon. Hindi pa isinisilang si Nayelie ng mga panahon iyon at kaming apat nina Zarina, Denisse, Julbert at ako ang laging magkakasama noon. Tuwing kaarawan naming, naghahanda
ako at ang aking mga kapatid

 kami at minsan pa nga ay sa mismong araw ng kaarawan ko bumagyo. Ngunit sa kabila ng masamang panahon ay masaya parin kami. Ika-14 ng Enero ng isilang ang kapatid kong babae na si Nayelie, ngunit sa pagdaan ng taon habang ito ay lumalaki, naapektuhan si Julbert. Sabi ng doctor na selos lamang ito sa babae niyang kapatid. Makalipas pa ng ilang taon ay si Archean naman ang isinilang. Marami ang nagsasabi na kamuka ko ito noong bata. Binibiro pa nga ako ng aking ina na sana hindi matulad sa muka ko ngayon. Bakit daw ba kasi nagkaganito ang muka ko na noon ay maayos naman. Hulyo 25 taong 2005 nang kami ay naiseald sa temple. Masaya ako dahil alam ko na makakasama ko ang aking pamilya hanggang sa kabilang buhay. Habang ako ay lumalaki, maraming pagbabago ang nagaanap sa aking buhay na pangkaraniwan sa lahat dahil sadyang dumadating ang puntong iyon sa lahat ng tao dahil tumatanda na. Nagiging malapit na sa iba.
ikapitong kaarawan ko kung saan bumabagyo
Cute talaga habang bata
Nagkaroon ng youth camp ang aming ward. Tatlong araw na camping ito. Sa loob ng tatlong araw na ito na kasama ang aking mga kaibigan sa simbahan ay nagging Masaya an gaming karanasan. Nililink nila ako sa isang babae na kaward ko kasi lagi kaming magkasama noon. Wala naman akong gusto, sabihin na natin na may paghanga ngunit wala akong gusto sakanya. At sa loob din ng araw ng camping ay nakuhanan kami ng litrato habang natutulog. Hidi ko alam na nakatulog na ako habang katabi siya. Tuwing bakasyon ay nagkakaroon 
ako at si len
ng youthcamp at youth conference. Masaya ang mga aktibidad na ito dahil sa mga bagay na iyong matututunan kundi makakatagpo ka ng iba pang kaibigan.
Habang ako ay lumalaki, maraming pagbabago ang nagaanap sa aking buhay na pangkaraniwan sa lahat dahil sadyang dumadating ang puntong iyon sa lahat ng tao dahil tumatanda na. Nagiging malapit na ako sa iba kahit hindi kaklase. Marami akong nagiging kaibigan sa paaralan at nagkakaroon ng paghanga sa iba. Isa na nga sa mga nagging kaibigan ko na malapit na malapit sa akin ay sina Jewel at Myael. Nakilala ko si Jewel noong ako ay 2nd yr. lagi siyang nasa harap n gaming room at nakaupo. Dahil sa mahiyain pa ako noon, hindi ko na sinubukang lumapit sa kanya ngunit ng mapuna din ng isa kong kaklase si Jewel at nagging magkaibigan sila, kinuha ko ang numero ni Jewel sa kanya at doon nagsimula ang pagkakakilala naming sa isa’t isa. Si Myael naman ay nakilala ko ngayong 3rd year dahil siya ang naging malapit na kaibigan ni Jewel. Nagkaroon kaming mabubuting pagsasamahan at Masaya ako dahil dito.
Jewel and Myael
Nag-aral ako ng kinder sa Paaralan ng Sentral ng San Pablo ngunit sa pag-aaaral ko dito, hindi ko naipasa ang aking pag-aaral. Lagi akong nagluluko at hindi seryoso sa pag-aaral. Niloloko pa nga ako ng aking mga kamag-anak noon na laging itlog ang aking dala.  Pagkatapos ng kinder, inilipat ako sa Home of Learning Christian Academy. Doon ako nag-ayos ng pag-aaral at naging 3rd honor. Kahit niloloko ako dahil sa marami akong naging crush o hinahangaan, nakapagtapos parin ako. Halos lahat ng kamag-aaral ko na babae doon ay hinangaan ko kaya ako inaasar. Marami kasi na magaganda at mapuputi doon.
Central, paaralan na pinasukan
 ko noong elementarya
                Pagkatapos ng pag-aaral ko ng kinder, pumasok na ako sa elementarya sa Paaralang Sentral ng San Pablo sa gulang na pito. Naging guro ko noon si Gng. Escondo. Si Valen, isa sa aking mga kamag-aaral ay palaging sumusulat sa akin, lagi ko itong pinababasa sa aking ina. Isang araw, nagpunta ang aking ina sa paaralan at isinumbong ang ginagawa ni Valen. Ngunit sa kabila ng nangyari ay nagging maayos ang aking pag-aaral at nagging isa sa pilot section nang ako ay pumasok sa ikalawang taon sa elementarya. Si Gng. Constantino ang naging guro ko sa taong iyon na kapitbahay lang pala namin. Naging masipag akong mag-aaral at ginagawa ko ang paglilinis ng maayos sa silid aralan. Lagi akong naiiwan sa silid aralan upang maglinis. Nasa ikatlong antas ako ng kami ay lumipat ng tirahan dahil sa pinaaalis kami ng may-ari ng lupa. Pinaayos ng ina ni tatay ang kanyang bahay at doon kami pinatira. Ako ay nagging pilot a ng mga sumunod na taon ngunit sa ikalima kong taon sa elementarya, naging section 1 ako pero napalipat sa pilot b. pinabutihan ko ang pag-aaral upang manatili ako sa pilot section at nagawa kong maging pilot b parin sa ikaanim na taon sa elementarya. Wala akong nakamit na parangal sa pagpasok ko ng anim na taon sa elementarya ngunit masaya ako na nakatapos sa pag-aaral.
             
paaralang pansekondarya
ang grandstand sa dizon high
   Ako ay pumasok ng sekondarya sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, kabilang ako sa Science curriculum o ang pinakamataas na section sa Dizon. Masya ako na nakapasok ako sa section na ito kahit mahirap. Noong una ay hindi kami naiimikan. Masyadong tahimik ngunit makaraan ng ilang lingo ay nagsimula na ang ingay. Sa patatapos ng unang taon sa sekondarya, hindi ko inaasahan na mapapasali ako sa honor. Masaya ako sa nangyari dahil alam ko na naging Masaya din ang aking mga magulang. Sa pagpasok ng ikalawang taon sa sekondarya ay may konting paninibago. Inakala naming na 
mataray si mam Ilagan ngunit nagkamali kami. Palabiro pala siya at napaka bait. Marming nangyai sa taong ito. Natalo kami sa Florante at Laura at iyon ang unang pagkakataon na natalo ang science ng ibang seksyon. Subalit pinagpatuloy parin namin ang magandang nasimulan. Naging matatag an gaming pagsasamahan sa klase kait minsan na hindi makasundo. Sa pagtatapos ng taong ito, nasungkit kong muli ang pagiging isa sa mga honor. Masayang masaya ako dahil isang regalo ito para sa aking ama na ngayon ay nasa Canada na. Sa pagsapit ng ikatlong taon, nanibago ako ng malaki dahil mahirap pa sa inaakala ko ang nangyari. Sa taong ding ito, nakasama ako sa Regional Student Press Conferance bilang isang kalahok sa radio broadcasting. Ngunit Alam ko sa sarili ko na hindi ko nagawa ng maayos ang tungkulin ko ngunit nakamit parin namin ang ikalawang karangalan. Ngayon na malapit na ang pagtatapos ng ikatlong taon ko sa sekondarya, maaaring hindi ako makasama sa honor roll pero sisiguraduhin ko na makakasama ako sa susunod na taon. Nakakalungkot nga lang sapagkat marami sa amin ang matatanggal sa science curriculum.
               

No comments:

Post a Comment